Gusto Nya, Happy Ka!

Kung may kapansanan ka, pero di kaya ng katawan mo ang saklay, at wala ka ring pambili ng wheelchair, papasok ka pa ba sa eskwelahan?

Rommel Arellano, winner of this year’s search for  “Happiest Pinoy”,  did!

GUMAPANG siya, makapag-aral lang mula elementary hanggang college.  Literal na gumapang, ha… ‘yung may tsinelas sa dalawang kamay, umula’t umaraw!  KAYA MO ‘YON?

Sa radio interview nila Karen Davila at Vic Lima ng Pasada 630 sa DZMM noong Lunes, marami ang na-touch.  Palagay ko, marami din ang nagalit.  Gumapang si Rommel sa una niyang job interview (office staff sa isang kumpanyang nagbebenta ng motorsiklo).  Nag-effort siya para maabot ang door knob at mabuksan ang pinto. Nakatingin daw sa taas ang interviewer pagbukas ng pinto.  Andun si Rommel sa baba, sa sahig.  Alam mo ba kung ano ang nag-iisang tanong kay Rommel pagtingin sa resume niya? Eto: “Marunong ka bang mag-drive ng motor?”

Kahit na sobrang nainsulto at nasaktan, maayos siyang nagpaalam at nagpasalamat sa oras ng interviewer.  Pinilit ni Rommel na tumayo sa harap niya. Sa tingin ko, symbolic iyon, dahil lalong nag-ibayo ang desire ni Rommel na may mapatunayan sa buhay.  “Di niya type ang magpa-cry-cry” (sabi sa kanta).  Pinili niya ang magpatuloy, sabay sabi sa sariling: “One day, we will meet again, and you will see the man you have rejected”.

Pati si Karen Davila, nagtaka.  Paano daw nangyaring ni wala man lang bitterness o galit sa katawan niya? Sabi ni Rommel, “Tinanggap ko po ang kalagayan ko.  Wala po akong magagawa sa pangungutya ng ibang tao, pero I can change myself”.  Ang prayer niya? “Even if I am different in their eyes, let me just make a difference in their lives”.

Paanong nangyaring kapakanan pa rin ng iba ang naisip niya?  Paano ring nangyari na ang isang taong may kapansanan pa ang ngayo’y umaakay sa mga kababayan niya sa tamang landasin sa buhay bilang isang counsellor?

Ganyan ang nagagawa ng tamang mind-set, tamang pagkilos, at tamang pananampalataya sa Dios.

Sabi ni Oscar Wilde, “We are all in the gutter, but some of us are looking at the stars”.

Ikaw, anong hamon ang pwede mong malampasan sa kabila ng  kapansanan o kakulangan –  sa pamamagitan ng tamang mind-set, tamang pagkilos, at tamang pananampalataya sa Dios?

*Ang “Happiest Pinoy” ay isang nationwide search ng Cebuana Lhuillier Insurance Solutions.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: